skip to Main Content
English    Español     Ilocano       globe icon Other Languages

Kwalipikado para sa Hawaii Health Acess Program

Para maging kwalipikadong mag-enroll at manatiling naka-enroll, dapat matugunan mo ang lahat ng sumusunod na kinakailangan:

  • Nakatira sa pinaglilingkurang lugar ng Kaiser Foundation Health Plan, Inc. sa Maui Island.
  • Ikaw dapat ay nakatira sa isang sambahayan na mayroong tanunang kita na hanggang 300 porsyento ng Pederal na Antas ng Kahiripan (FPL).
    • Halimbawa, ang 2023 FPL para sa Hawaii (taunang kita) ay hanggang $50,310 para sa isang indibiduwal o $103,500 para sa isang sambahayan na may 4 na miyembro.
  • Hindi ka kwalipikado para sa ibang pampubliko o pribadong coverage sa kalusugan tulad ng, ngunit hindi limitado sa QUEST (Medicaid), Medicare, ang planong pangkalusugan na batay sa trabaho o tulong pinansyal sa pamamagitan ng health benefit exchange.
Household/Family Size Monthly Household Income no more than: Annual Household Income no more than:
1 $4,328 $59,130
2 $5,875 $70,500
3 $7,423 $89,070
4 $8,970 $107,640
5 $10,518 $126,210
6 $12,065 $144,780

Hindi mo kailangang maging mamamayan ng U.S. para maging kwalipikado para sa Hawaii Health Access Program.

Mga pinaglilingkurang lugar ng Kaiser Permanente

Ikaw dapat ay nakatira sa pinaglilingkurang lugar ng Kaiser Permanente para maging kwalipikado para sa Hawaii Health Access Program. Tingnan ang aming pinaglilingkurang lugar sa ibaba.

 

We review each member’s eligibility for the Hawaii Health Access Program by regularly sending you a form to confirm household income and other information. If you no longer meet the eligibility requirements, you will be disenrolled from Kaiser Permanente’s Hawaii Health Access Program. You will remain enrolled in the Kaiser Permanente HI Standard Platinum 0/10 Off plan, but you’ll have to pay the full monthly premiums and out-of-pocket cost unless you ask us to end your membership or until you fail to pay the full premium.

Iba pang mga opsyon sa coverage ng Kaiser Permanente

Kung hindi mo natutugunan ang mga kinakailangan para sa Hawaii Health Access Program, maaaring makatulong sa iyo ang tulong pinansyal mula sa gobyerno para makakuha ng abot-kayang coverage sa kalusugan para sa iyo at sa iyong pamilya. Kasama sa iba pang mga opsyon sa coverage sa kalusugan ng Kaiser Permanente ang:

QUEST (Medicaid)

Maaari kang maging kwalipikado para sa QUEST (Medicaid) kung:

  • Ikaw ay mas bata sa 19 na may kabuuang kita ng sambahayan na nasa o mababa sa 266% pederal na antas ng kahirapan (halimbawa, $95,800 para sa isang pamilya na may 4 na miyembro sa 2024).
  • Ikaw ay 19 o mas matanda pa na may taunang kita ng sambahayan na nasa o mababa sa 138% ng pederal na antas ng kahiripan (halimbawa, $23,888 para sa isang tao o $49,514 para sa pamilya na may 4 na miyembro sa 2024).

Pakitandaan: Karamihan sa mga residente ng Hawaii kasama ang mga hindi mamamayan ay kwalipikado na ngayon para sa QUEST (Medicaid). Ang mga kwalipikado para sa QUEST (Medicaid) ay hindi kwalipikado para sa Hawaii Heath Access Program.

Alamin pa ang tungkol sa QUEST (Medicaid) sa Kaiser Permanente (sa Ingles).

Mga plano ng insurance sa kalusugan sa pamamagitan ng health benefit exchange

Bumili ng coverage sa pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng health benefit exchange. Kung kwalipikado ka, maaari kang makakuha ng tulong sa pagbabayad para sa mga premium ng iyong plano o mga gastos na mula sa sariling bulsa. Huwag kalimutang mag-enroll sa health benefit exchange sa panahon ng bukas na enrollment. Kung maghihintay ka hanggang sa matapos ang panahon ng bukas na enrollment, kakailanganin mo ng kwalipikadong pangyayari sa buhay para makapag-enroll ka sa bagong plano. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang buykp.org.

Tawagan kami sa 1-800-488-3590 (TTY 711) o bisitahin ang buykp.org (sa Ingles) para malaman ang tungkol sa iba pang mapagpipiliang plano na Kaiser Permanente for Individuals and Families.
Isaalang-alang ang Medicare, isang pederal na programa na available sa mga taong may edad na 65 at pataas. May iba’t ibang panahon kung kailan puwede kang maging kwalipikado na magpatala sa isang planong pangkalusugan ng Medicare. Bisitahin ang kp.org/medicare (sa Ingles) para sa higit pang impormasyon. Kung mayroon kang limitadong kita ng sambahayan, maaari kang maging kwalipikado para sa Medicaid. Mangyaring bumisita sa kp.org/medicaid/hi (sa Ingles) para alamin pa.

*Hindi ginagarantiya ang patuloy na pagiging kwalipikado para sa Hawaii Health Access Program. May karapatan kaming isara ang enrollment o baguhin ang mga panuntunan sa pagiging kwalipikado anumang oras. Kung maaaprubahan ka para sa HHAP, limitado ang panahon ng subsidiya at makikipag-ugnayan kami sa iyo sa hinaharap para kumpirmahing kwalipikado ka pa rin.

Back To Top