skip to Main Content
English    Español     Ilocano       globe icon Other Languages

Alamin ang tungkol sa Mga Benepisyo sa Hawaii Health Access Program

Ang Hawaii Health Access Program (HHAP) ng Kaiser Permanente ay nagbibigay ng coverage sa kalusugan para sa mga kwalipikadong residente ng HI na walang access sa ibang coverage sa kalusugan.

Mga miyembro ng HHAP:

  • Naka-enroll sa Kaiser Permanente HI Standard Platinum 0/10 Off na plano.
  • Hindi magbabayad ng buwanang premium.
  • Hindi magbabayad ng mga gastos na mula sa sariling bulsa para sa karamihan ng sakop na serbisyo sa mga pasilidad ng Kaiser Permanente.

Kapag naging miyembro ka na ng Kaiser Permanente, magagawa mong:

  • Mag-iskedyul ng face-to-face na pagkonsulta gamit ang video o appointment sa telepono sa isang clinician ng Kaiser Permanente. (1)
  • Pamahalaan ang iyong kalusugan nang 24/7 — mag-iskedyul ng mga appointment, mag-email sa opisina ng iyong doktor para sa mga hindi apurahang tanong, i-order ang karamihan sa mga refill ng gamot, tingnan ang karamihan sa mga resulta ng pagsusuri, basahin ang mga tala ng iyong doktor at marami pa. (2)
  • Makakuha ng suporta para sa malawak na hanay ng mga kondisyon, tulad ng anxiety at depression, sa loob ng Kaiser Permanente nang $0 ang gastos mula sa sariling bulsa — hindi kailangan ng referral.
  • Makatipid ng oras sa maraming serbisyo sa iisang lugar, tulad ng mga X-ray at parmasya. Alamin pa ang tungkol sa paghahanap ng mga doktor at lokasyon sa Maui.

(1) Kapag naaangkop at available. Kung bibiyahe ka sa labas ng estado, maaaring hindi maging available ang mga appointment sa telepono at pagkonsulta gamit ang video dahil sa mga batas ng estado na maaaring makapigil sa mga doktor sa pagbibigay ng pangangalaga sa labas ng mga hangganan ng estado. Magkakaiba ang mga batas ayon sa estado.

(2) Available ang mga feature na ito kapag kumuha ka ng pangangalaga sa mga pasilidad ng Kaiser Permanente. Para gamitin ang Kaiser Permanente app, ikaw dapat ay miyembro na nakarehistro sa kp.org. Para sa mga magulang na gumagamit ng mga online feature para sa anak, binabago ang online access kapag nag-edad na 12 ang bata dahil sa mga batas ng estado sa pagkapribado.

Mga detalye ng benepisyo

Sa HHAP naka-enroll ka sa Platinum 90 HMO na planong pangkalusugan ng Kaiser Permanente. Ang planong ito ay maraming kasamang benepisyo, tuald ng pangangalaga na pang-iwas sa sakit, gamot, mga serbisyo sa paningin at coverage sa ngipin para sa mga bata.

Para alamin pa ang tungkol sa mga benepisyo ng Kaiser Permanente HI Standard Platinum 0/10 Off na planong pangkalusugan, tingnan ang Buod ng mga Benepisyo at Coverage para makita ang mga pangunahing feature ng plano.

  • Makakakuha ka rin ng papel na kopya anumang oras nang walang singil sa pamamagitan ng pagtawag sa Mga Serbisyo sa Miyembro sa 1-800-464-4000.
  • Kakailanganin mo ang pangalan ng iyong plano, na sinabi sa itaas.
  • Maaari mo ring tingnan ang Pinagsamang Kasunduan sa Pagiging Miyembro, Form para sa Disclosure, at Katuanayan ng Coverage para sa Kaiser Permanente HI Standard Platinum 0/10 Off na plano, na nagbibigay ng detalyadong impormasyon ng plano.

Note: These documents show copayments for services under the Kaiser Permanente Platinum 90 HMO plan. Copays listed in these documents won’t apply for most care at KP facilities when you’re enrolled in HHAP

*Hindi ginagarantiya ang patuloy na pagiging kwalipikado para sa Hawaii Health Access Program. May karapatan kaming isara ang enrollment o baguhin ang mga panuntunan sa pagiging kwalipikado anumang oras. Kung maaaprubahan ka para sa HHAP, limitado ang panahon ng subsidiya at makikipag-ugnayan kami sa iyo sa hinaharap para kumpirmahing kwalipikado ka pa rin.∙

Back To Top