Welcome sa Hawaii Health Access Program ng Kaiser Permanente
Naka-enroll ka sa HHAP naka-enroll ka sa Kaiser Permanente Platinum – 90 HMO na planong pangkalusugan.
Sakop ng planong ito ang pangangalaga na pang-iwas sa sakit, gamot, mga serbisyo sa paningin, coverage sa ngipin para sa mga bata (hanggang sa edad na 19) at marami pa. Para gawing mas madali ang mga bagay, karamihan sa aming mga lokasyon ay mayroong mga serbisyo ng laboratoryo, X-ray at parmasya sa iisang lugar. At kung hindi ka makakapunta sa umaga, ang ilan sa mga pasilidad ay mayroong mga oras sa gabi at Sabado at Linggo. Alamin pa ang tungkol sa mga medikal na pasilidad sa Maui (sa Ingles).
Kumilos: Kung bago ka sa Kaiser Permanente at/o ang Hawaii Health Access Program, mag-click dito (sa Ingles) para malaman pa ang tungkol sa Kaiser Permanente at masulit ang mga benepisyo mo o ng iyong anak/mga anak sa pangangalagang pangkalusugan. Gumawa ng account para makapagrehistro ka para ligtas na ma-access ang maraming tool at mapagkukunan na nakakatipid ng oras at pamahalaan ang kalusugan mo o ng iyong anak/mga anak sa online.**
Mga Benepisyo: Para sa mga detalye ng benepisyo, bisitahin ang Hawaii Health Access Program Benefits page.
Buwanang Bayad: Walang kailangang buwanang bayad. Sasagutin ng Kaiser Permanente ang buong buwanang premium. Mababa o walang bayad para sa karamihan ng serbisyo sa mga pasilidad ng Kaiser Permanente.
Act for a Family Member (Kumilos para sa Miyembro ng Pamilya)
Kung mayroon kang sariling account ng miyembro sa kp.org (sa Ingles), matutulungan mo ang partikular na mga miyembro ng pamilya sa kanilang pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng pagpapa-appointment, pagsubaybay sa karamihan ng kanilang mga resulta sa pagsusuri, pag-email sa kanilang doktor at marami pa. Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa Act for a Family Member (sa Ingles).
Kung wala kang account ng miyembro sa kp.org (sa Ingles) at gusto mong kumilos sa ngalan ng isang tao na miyembro ng Kaiser Permanente, maaari kang mag-set up ng caregiver account para sa hindi miyembro. I-set up dito ang iyong account (sa Ingles).
Magdagdag ng Miyembro ng Pamilya
Ang mga miyembro ng Kaiser Permanente HHAP na gustong magdagdag ng kwalipikadong miyembro ng pamilya sa kanilang dati nang account ay dapat gamitin ang Account Change Form (Form para sa Pagpapalit ng Account) (sa Ingles).
Kung kailangan mo ng karagdagang suporta, nandito kami para tumulong
Ang mabuting kalusugan ay kailangan ng mahigit pa sa pangangalagang pangkalusugan lang. Kung kailangan mo ng access sa mga mapagkukunan tulad ng pagkain o pabahay, makakatulong kami. Inuugnay ka ng Thrive Local Connections sa suporta sa iyong komunidad nang kumpidensyal at walang bayad anuman ang status sa imigrasyon. Tawagan kami sa 1-800-443-6328 (TTY 711), Lunes hanggang Biyernes, 8 a.m. hanggang 5 p.m. Oras sa Pacific o bisitahin ang kp.org/socialhealth (sa Ingles).
Mga mahalagang dokumento
Buod ng mga Benepisyo at Coverage (sa Ingles) — Nagbibigay ito ng buod ng kung ano ang sinasakop at kung magkano ito.
Kasunduan sa Pagiging Miyembro (sa Ingles) — Ito ay nagbibigay ng detalyadong impormasyon tungkol sa mga sakop na benepisyo at mga serbisyong hindi sakop.
Tandaan: Ipinapakita ng mga dokumentong ito ang mga copayment para sa mga serbisyo sa ilalim ng HI Standard Platinum 0/10 Off na plano. Sa ilalim ng Hawaii Health Acccess Program, hindi mo kailangang magbayad ng mga copayment para sa karamihan ng mga serbisyo sa mga medikal na opisina at ospital ng Kaiser Permanente.
*Hindi ginagarantiya ang patuloy na pagiging kwalipikado para sa Hawaii Health Access Program. May karapatan kaming isara ang enrollment o baguhin ang mga panuntunan sa pagiging kwalipikado sa Hawaii Health Acccess Program anumang oras. Kung inaprubahan ka para sa Hawaii Health Acccess Program, limitado ang panahon ng subsidiya at kokontakin ka namin sa hinaharap para kumpirmahin na kwalipikado ka pa rin.
**Available lang ang mga feature na ito para sa pangangalaga sa mga pasildidad ng Kaiser Permanente. Dahil sa mga batas sa privacy, posibleng hindi maging available ang ilang partikular feature kapag ina-access ang mga ito sa ngalan ng batang 18 taong gulang pababa, at posibleng mapigilan ang doktor ng iyong anak na magsiwalat ng ilang partikular na impormasyon sa iyo nang walang pahintulot ng anak mo.