Alamin ang tungkol sa Kaiser Permanente Community Health Coverage Program (CHCP)
Makakuha ng coverage sa kalusugan sa mababang halaga o nang walang bayad
Kung ikaw ay residente ng Hawaii na walang access sa ibang coverage sa kalusugan, maaari kang makakuha ng pangangalagang pangkalusugan na mataas ang kalidad sa pamamagitan ng Programa ng Pangangalagang Pangkalusugan sa Komunidad mula sa Kaiser Permanente.
Ano ang CHCP?
Ang CHCP ay para sa mga residente ng Maui na hindi makakuha ng anumang ibang coverage sa kalusugan. Ang mga miyembro ng CHCP ay tumatanggap ng subsidiya para tumulong sa pagbabayad ng mga buwanang premium, at hindi kailangang bayaran ang mga copay o mga gastos na mula sa sariling bulsa para sa karamihan ng pangangalaga sa mga pasilidad ng Kaiser Permanente.
Alamin pa ang tungkol sa CHCP
Sino ang kwalipikado para sa CHCP?
Para maging kwalipikadong mag-enroll at manatiling naka-enroll, dapat mong matugunan ang lahat ng sumusunod na kinakailangan:
- Nakatira sa pinaglilingkurang lugar ng Kaiser Foundation Health Plan, Inc. sa Maui Island.
- Dapat nakatira ka sa isang sambahayanna may taunang kita na hanggang 300 porsiyento ng Pederal na Antas ng Kahirapan (FPL). Halimbawa, ang FPL para sa Hawaii (taunang kita) ng 2025 ay hanggang $53,970 para sa isang indibidwal o $110,940 para sa isang sambahayan na may 4 na miyembro.
- Hindi ka kwalipikado para sa iba pang pampubliko o pribadong coverage sa kalusugan tulad ng, ngunit hindi limitado sa, QUEST (Medicaid), Medicare, isang planong pangkalusugan mula sa trabaho, o tulong pinansyal sa pamamagitan ng exchange ng benepisyo sa kalusugan.
Alamin pa ang tungkol sa pagiging kwalipikado
Pag-apply para sa CHCP
Ang bukas na enrollment para sa mga residente ng Oahu ay magsisimula sa ika-1 ng Nobyembre. Naabot na namin ang aming kapasidad sa enrollment para sa mga residente ng Maui at hindi tumatanggap ng mga bagong application para sa 2026.
Maaaring mag-apply ang mga residente ng Oahu para sa CHCP sa panahon ng bukas na enrollment, na mula Nobyembre 1, 2025 hanggang Enero 15, 2026.
| Para simulan ang coverage sa: | Ipadala ang iyong nakumpletong application bago sumapit ang: |
|---|---|
| Enero 1, 2026 | Disyembre 15, 2025 |
| Pebrero 1, 2026 | Enero 15, 2026 |
Alamin pa ang tungkol sa kung paano mag-apply para sa CHCP
*Hindi ginagarantiya ang patuloy na pagiging kwalipikado para sa CHCP. May karapatan kaming isara ang enrollment o baguhin ang mga panuntunan sa pagiging kwalipikado anumang oras. Kung maaaprubahan ka para sa CHCP, limitado ang panahon ng subsidiya at makikipag-ugnayan kami sa iyo sa hinaharap para kumpirmahing kwalipikado ka pa rin.