Skip to content
English    Español     Ilocano       globe icon Other Languages

Panahon ng Espesyal na Enrollment

Natapos na ang bukas na enrollment para sa 2026, pero pwede ka pa ring mag-apply sa panahon ng espesyal na enrollment kung makakaranas ka ng kwalipikadong pangyayari sa buhay.

Paano Mag-apply para sa CHCP – Mga Mahalagang Deadline

Maaari kang mag-apply ng coverage kung mayroon kang partikular na uri ng pangyayari sa buhay — na tinatawag na kwalipikadong pangyayari sa buhay. Ang kwalipikadong pangyayari sa buhay ay kapag nagbago ang isang bagay na mahalaga sa iyong buhay. Halimbawa, kung mag-aasawa ka o magiging diborsiyado, manganganak o mawawalan ng coverage sa kalusugan dahil nawalan ka ng trabaho o hindi ka na kwalipikado para sa QUEST (Medicaid), Medicare, maaari kang mag-apply para sa coverage sa pamamagitan ng CHCP.

Sa pangkalahatan, tumatagal ang panahon ng espesyal na enrollment nang 60 araw pagkatapos ng kwalipikadong pangyayari sa buhay.


Mag-apply online

Maaari mong isumite sa online ang iyong application sa ilang madaling hakbang! I-click ang button sa ibaba para magsimula.

Handa na akong mag-apply online

Gusto mo bang manu-manong ipadala ang iyong application?

Kung mayroon kang kwalipikadong pangyayari sa buhay, kakailangan mong ipadala ang mga dokumentong ito:

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa iyong patunay ng kwalipikadong pangyayari sa buhay, tingnan ang Gabay sa Panahon ng Espesyal na Enrollment o bisitahin ang kp.org/chcspecialenrollment (sa Ingles).

May mga tanong?

Tawagan kami nang libre sa

1-800-966-5955 (TTY 711)

8 a.m. hanggang 5 p.m. Oras sa Hawaii, Lunes – Biyernes, Sabado mula 8 a.m. – 12 p.m. Oras sa Hawaii
(sarado sa mga pangunahing holiday)

O maghanap ng mga organisason na malapit sa iyo na makakatulong sa iyong kumpletuhin ang CHCP application.


Saan isusumite ang iyong mga form at patunay

Sa pamamagitan ng email (mas gusto)

CHC‑Applications@kp.org

Sa pamamagitan ng koreo

Kaiser Foundation Health Plan, Inc.
Central de Servicios de California
P.O. Box 939095
San Diego, CA 92193-9095

Sa pamamagitan ng fax

1‑855‑355‑5334

Tandaan: Ang pagpapadala ng iyong mga form sa amin ay hindi ginagarantiya na maaaprubahan ka para sa CHCP. Maaari kaming humingi sa iyo ng higit pang impormasyon para malaman kung kwalipikado ka.


Kailan ka makakatanggap ng tugon mula sa amin

Ipapaalam namin sa iyo kung maaari ka naming isama sa CHCP pagkatapos naming matanggap at masuri ang iyong mga nakumpletong form at patunay ng kita.

* Hindi ginagarantiya na magiging patuloy ang pagiging kwalipikado para sa CHCP. May karapatan kaming isara ang enrollment o baguhin ang mga panuntunan sa pagiging kwalipikado sa CHCP anumang oras. Kung maaaprubahan ka para sa CHCP, limitado ang panahon ng subsidiya at makikipag-ugnayan kami sa iyo sa hinaharap para kumpirmahing kwalipikado ka pa rin.

Back To Top